Wednesday, February 6, 2008

WANTED MAID

Sa may kanto ako’y makikita
Sa bawat bahay nakatala
Tumatanggap dalaga ma’t binata
Ako’y bitbit ng buong sigla.

Pagkalipas ng ilang buwan
Ibabalik na naman
Sa gate na tapat ng daan
Araw at gabi’y nahahamugan.

Buhay ay sadyang ganito
Tulad kong karatulang di maparito
Itsura ko man ay pabago- bago
Iisa pa din ang kahulugan ko.


-- Leona Alvina

1 comment:

crysta said...

nakatatawag ng pansin ang pamagat ng iyong tula... maganda ang naging tema nito ngunit hindi lamang gaanong naiugnay ang huling bahagi sa personang iyong napiling gamitin...kinulang lamang ng kaunti ngunit naparating naman ang mensahe ng mabuti...
magandang araw!

salamat sa isang mabungang pagbasang aking naranasan sa pagbasa ng iyong akda...:)