Wednesday, February 6, 2008

BLUE MAGIC

Sa liwanag ng paligid ako’y nasilaw
Kakaibang lugar aking nadatnan
Nang may lumapit sa akin at inilagay
Ako mag-isa sa isang sisidlan

Isang dilag ang sa aki’y nagpalaya
Sa tagpong iyon nais ko siyang maging sinta
Sa bulak kong anyo nais ko nang kumawala!
Loob ng isang teddy bear may damdamin na pala.


-- Kevin Cham

1 comment:

criselda said...

Magandang araw po Kevin Cham.

nais ko lang sabihin na nagkaroon ng malaking impact sa akin ang napili mong title para sa iyong tula. madali nitong nakuha ang aking atensiyon. sana lang nagkaroon ng kaunting karagdagang taludtod ang iyong akda, kasi parang nabitin ako. ngunit maganda naman ang pagkakahabi nito at ang pagkakagamit mo ng mga salitang may tugma.