Wednesday, February 6, 2008

BULAKLAK AT ULAN

Sa wakas! Sa wakas! Heto na! Heto na!
Ang aking daho’y sumasayaw sayaw na.
Mala-yelong hangin ang kanyang musika.
Ang pumpon ng bulaklak ko’y tumingala.
Nakikita ko! Langit ay paiyak na!
‘Sang kisapmata’y, luha nya’y bumagsak na.
Tubig na malamig ang dumaloy sa’kin
Dahon ko’y lumundag lundag sa sobrang tuwa!
Haaay! Uhaw ko’y pinawi niya.


-- Canlee Balmores

1 comment:

joald said...

Naipakita ng tula ang interaksyon ng buhay sa bagay na walang buhay. Ang dalawa ay may malaking kasulangatan ngunit sa pagkakahabi ng akda, nagawa nitong maging isa ang malawig na pagkakaiba. Unity in Diversity. Ang interakson ng mga elemento ay konkreto at pasado sa literal na pamantayan.

Ang emosyon sa likod ng akda ay naipakita sa pamamagitan ng aksyon sa akda. Lalo pa itong pina-igting ng paguulity ng mga salita. Nagbunsod ito ng malaguni- guning pagbasa at pag- unawa.

Ang mga elemento ng akda ay nagkakasundong mabuti. Tinumbok ang iisang isyu at hindi nagpakita ng kung ano pa mang pasikut- sikot.

~Joald Calpo
Fil 20 B