Wednesday, February 6, 2008

SARANGGOLA

Ako ay saranggola
May pisi sa tuwina,
Hangin ang nagdadala
Kung saan man magpunta

Makalipad sandali
Ang aking minimithi
At nang ito’y namithi
Hanggang langit ang ngiti


-- Rodelin Ellaine M. Galvez

1 comment:

Jiff Randy T. Caban said...

Hindi masyado naging epektibo ang tulang nasulat na tahasang ilalarawan ang isang Saranggola at pangalawa, gamitin ang tula bilang simbolo ng ibang bagay bukod sa sarili nito. Marahil dulot ito ng pawang maiikli at hindi gaanong "descriptive" na salita, na makakadagdag sana sa paglalarawanlan nito, thus pagiging epektobo nito. Ang kahulugan ng tula ay nakahimlay lamang kung sa ano ang tahasang nababasa at sinasabi, at wala masyadong "hidden meaning or context".
Ngunit kung tutuusin, masasabing Ok naman ang tula pagkat ito ay may tugma, at relatively, halos di nalalayo ang saukat ng bawat linya at saknong. Maaari ding gamitin ang kasimplehan ng tula, bilang simbolismo sa kamalayan ng isang bata. Inosente, malinis at payak.
Peace.

Jiff Randy Caban - Fil 20-B