Wednesday, February 6, 2008

SA PILING MO

Ako’y isang dahon mula bundok,
mabintog, makinis, berdeng berde pa.
Nilipad ng hangin nang ‘di namalayan,
nalayo sa punong nagbibigay buhay!
Nahulog sa lupa, namuhay mag-isa,
hanggang berdeng kulay ay naagnas na.
Kinain ng lupa, tangkay lang natira,
Wala man lang lumuha nang maupos na.


-- Katrina Leslie C. Nicolas

2 comments:

ramon labita jr. said...

nakakapag-elicit ng emotion ang ginawa mong tula. Naramdaman ko ang pangungulila ng dahon sa kanyang bundok na pinanggalingan at ang kalungkutan nung maagnas siya nang wala man lang umiiyak. Kaya lang ay hindi pumasa sa unang lebel ng pagbasa (ang literal na pagbasa)ang iyong akda. Labas sa mundo ng dahon ang ilan sa mga inilagay mong pandiwa . Wala naman kasing emosyon ang dahon. Pero overall, masasabi kong maganda ang tula dahil naging efficient ka sa paggamit ng mga salita. Walang nasayang sa mga ginamit mo. Yung lang nga medyo gasgas na ang paggamit ng dahon sa mga tula tungkol sa kalungkutan.

SG said...

Maganda ang pagkakagamit mo sa dahon. Kung sa unang pagbasa, tila isang normal na kinahahantungan lang ng dahon ang laman ng tula. pero ginamit mong makapangyarihan ang mga pandiwang ginamit mo upang mabigyan ng buhay ang dahon. Dahil dito hindi na siya isang simpleng dahon lamang sa mas malalim na pagtingin.Naramdaman ko ang emosyon, ang kalumgkutan at pangungulila. Nakadagdag din sa pagpaparamdam mo ng emosyon ang tandang pandamdam na ginamit mo. Maiksi lamang ang iyong tula pero punong puno ito ng laman.Namaximize mo ang paggamit ng mga salita.walang sukat at masyadong tugma pero maganda pa din, mas naipahiwatig mo ang gusto mong sabihin sa kawalan ng mga ito.

S. Gavia
FIL-20 B