Wednesday, February 6, 2008

LARUAN

Pumasok ka sa tindahan ng laruan
Upang hanapin ang iyong kaligayahan
nang ako ay makita, ika'y natuwa

Na para bang hindi ka na magsasawa

Nangakong magsisilbi nang makuha mo
Sa twina ika'y paliligayahin ko
Naging tapat ako't totoo sa iyo
At sa parte mo, inaruga mo ako

Humiling na sana'y wag mong limutin
Ang mga maliligayang sandali natin
Sapagkat sa loob ako'y natatakot
Na ako'y ibaon na lamang sa limot

Lumipas ang panahon, ika'y nagsawa
Ang mga tuwa'y napaltan na ng luha
Nang tumagal pa'y, ako ay ikinahon
Naghinintay na lamang na ako'y 'tapon


-- JR LAZO

No comments: