Wednesday, February 6, 2008

NAGMAMASID

Nagmamasid sa isang sangang marupok
Nang ang ulan naghabulan sa may tuktok
Init ng bolang apoy sa kailangitan ay wala
Kundi madilim na ulap ang siya kong nakita
Lamig ng hangin ay sa mga dahon humahaplos
Ang kanal naman tila masayang umaagos
Berdeng lumot siya ring nagsulputan
Saka maglalaho pag tumila na ang ulan
Pagkatapos nitong pagbuhos
Saka na lamang mabubuksan ang pakpak ng lubos


-- Kathleen S. Acosta

1 comment:

Paul Jasper R. Zipagan said...

wow... nakuha mo ang atensyon ko dahil sa pamagat pa lang di ko malaman kung anu ba talaga ang gusto mong pagmasdan.. di ko malaman kung bakit ang mga bagay na ito ay iyong napansin.. naisip mo lang kaya o talagang nagmasid ka isang araw dahil malungkot ka...
para kasi itong kwento ng isang tao na nagmumuni - ang daming napapansin sa kapaligiran.. nagulat ako sa huling linya kasi may pakpak ka.. siguro isa kang ibon na naghihintay sa pagtigil ng ulan para mabuksan mo na ang iyong pakpak at patuloy kang lilipad sa may kaulapan.. siguro, nais mong sabihin na ang daming bagay na nagpapakabagabag sa iyo kaya konti lang yung mga namamasdan mo o konti lang yung nagagawa mo sa buhay.. wag kang matakot na hanapin, makita, at subukan ang mga bagay na iniisip mong di mo kaya... lahat ng tao ganyan.. natatakot, nangangamba na baka sa huli, lahat ng pinagpaguran ay mapupunta na lang sa wala.. hindi mo naman alam kung hanggang saan talaga ang kaya mong marating.. pero at least masasabi mo sa sarili mo na kahit papaano sinubukan mo!
hindi ka talo.. ang mga talunan ay iyong sumusuko na lang kaagad na wala pang ginagawa, wala pang pinaghihirapan..
sige, ibuka mo na ang iyong pakpak.. lumipad ka kaibigan at patuloy kang magmasid sa kawalan at ang pagod mo ay di masasayang dahil buong tapang mong haharapin ang lahat ng pangambang darating..
Salamat kaibigan...
Lipad na!!!