Wednesday, February 6, 2008

NASAAN SILA?

Ako’y isang kalapating nakatungtong,
Kasama ang iba’t masaya sa bubong;
Pinapanood ang pagsikat ng araw,
Habang nilalanghap ang umagang hangin.

Kasama ang iba’t sabay pumagaspas
Mga pakpak magkakasamang lumandas;
Makaraang lipad dumapo sa kable,
Nilamon ng mata terasa sa tabi.

Walang pang kisapmata’y dinakma ako!
Mga pasmadong kamay na sumasakal
sa dibdib ko’y sa loob dumadagundong,
Anumang pagpalag hindi pumipiglas.

Inakala kong sasaklolohan ako;
Tutukain nila hanggang sa dumugo
Lamang gumagapos sa’kin nang lumaya
Pero sa ligid ko’y sila’y malayo na.


-- Karen Kishia T. Fortu

No comments: