Wednesday, February 6, 2008

PASUKOB

Ang hawakan ko'y hawig ng isang candycane,
Kulay labanos sa aki'ynakabalot.
Parang isang papel na madaling masira,
Ako'y natitiklop na parang makahiya.

Sa mapaglapnos na sikat ng araw,
Sa nakasisipong buhos ng ulan,
Ako ay parang isang superhero,
Mala Batman kung ika'y ipagligtas.

Di man gaano napapansin pareho ang aming importansya,
Kung paanong minsa'y ikay ipinagtanggol at prinotektahan,
Kaya pag kami'y tuluyang nawala at nasira,
Itatapon na lang at kakalimutan na.


-- Arjay Dimaano

No comments: