Wednesday, February 6, 2008

MAY BAGA PA BA?

Mistulang yosi sa pagitan ng iyong mga daliri
Sa bawat hithit saya ay namumutawi
Dakilang pampalipas ng iyong oras ginampanan
Ako ay iyong yosi, tinaktak, napagsawaan, iniwanan.


-- Christopher Alexis A. Belison

3 comments:

Unknown said...

Bigong pag-ibig or natapos na pagmamahalan ba ang sinisumbulo ng bagang hinahanap? Hindi kasi tumatak sa isipan ko yung nararamdaman ng isang taong iniwan, pinaglaruan lamang sa kamay at ginawang panakip-butas lamang. Sa dulo ng tula ay nalaman ng wala ng baga, sa palagay ko ay hindi naging akma ang titulo ng tula sa nilalaman ng tula. Kung nais na iwanan sa mambabasa ang paghusga kung may baga pa ba ang pag-ibig, sana'y hindi na lamang nilagyan ng "closure" ang pagtatapos ng tula.- Sarah Elise Aquino

Unknown said...

Nakatawag pansin sa akin ang pamagat ng iyong tula. Nagkaroon ako ng interes na basahin ito. Maikli man ito ay buo naman ang diwa. Pasado ito sa literal na lebel at naging mahusay sapagkat gumamit ng mga mahinang pang-uri. Ang napuna ko lamang ay ang paggamit mo sa salitang mistulan, sapagkat yosi naman talaga ang tinukoy mo.

Chris said...

maraming salamat sa mga komentaryo niyo sa aking maliit (at minadaling) akda.

medyo matagal na pala akong hindi nagsususlat.