Wednesday, February 27, 2008

BOSS

Amoy aircon ka ng lumabas
Dala ang briefcase mong itim
Limang oras ka ding nakipag-plastikan
Sa boss mo

Biyernes ngayon
Laya ka na naman
Kahit dalawang araw lang
Next week pa ang sweldo

May exam siya next week
Malapit na ang midterms
Gusto na rin niyang umuwi
Pero biglang umulan

Kailangan niyang dumaan sa Mercury
Tinext ka niya habang nakasakay sa jeep
Magkalapit lang pala kayo
Buti nagreply ka agad

Sa Calamba nalang
Mas maganda manood ng sine
Iiwanan mo ang kotse
Mas ok pa mag-bus

Isang gabi
Tatlong daan, tatlong oras
“Boss, mani
Mura lang”.



Jason Gavina

4 comments:

Rachel Delicano said...
This comment has been removed by the author.
Rachel Delicano said...

Magandang araw. Maganda ang simula ng iyong tula. Ngunit noong binabasa ko na ang pangatlo hanggang sa huling saknong hindi ko maiwasang malito sa tema ng iyong tula. Naipagpalagay ko na ang tema ng tula ay tungkol sa iyong boss o sa relasyon mo sa boss at sa trabaho mo, ayon na rin sa pamagat at sa dalawang naung saknong ng tula. Sa aking palagay ang mga ideya ng mga sumusunod na saknong ay lihis sa una ko ng naipagpalagay na tema ng tula at dito na ako napapaisip sa kung ano ba talaga ang tema ng tula. Sa aking palagay uli, mayroon kang personal na karanasan na nais mong ibahagi sa mambabasa at siguro, dahil ito'y personal mong karanasan nga, mayroon itong sariling kontekstong kinahuhulugan. Sa aking natutunan sa FIL20, mahalaga na malaman at maintindihan ng mambabasa ang kontekso ng isang tula, lalo ng kung ito'y personal na karanasan ng manunulat. Salamat sa pagsulat ng tula.
-Rachel Ann B. Delicano FIL 20 B

ylevol said...

nung binabasa ko yung tula, parang nabibitin ako sa pagbigkas ng ibang linya. oo nga at malayang taludturan ito, pero sa tingin ko e parang may kulang at pede pa mas pagandahin. tungkol sa tema naman, sa una akala ko tungkol sa boss mo, yung tipong nagtatrabaho ka. tapos pagdating sa pangatlong saknong, medyo naguluhan na ako. hindi ko alam kung bakit biglang may pumasok tungkol sa exam, e parang taliwas yun s una kong inisip na nagtatrabaho ka at may koneksyon sa boss mo. pero simula sa pangatlong saknong hanggang sa huli, ok naman, parang related na. sa tingin ko, ang gusto mong iparating sa unang dalawang saknong e parang estudyante ka tapos ang boss e ang teacher. tama ba? sa tingin ko medyo nagkulang lang sa kung paano mo inexpress yung gusto mong iexpress, kasi bilang mambabasa, dapat kahit papaano e dapat nagets ko yung thought mo. yun lang. salamat.
-Lovely Mae F. Lawas
FIL20 - B

maria elizabeth ching said...

Isang mapagpalang araw sa iyo. Medyo nahirapan ako sa pagtanto ng kabuuang tema ng iyong tula. Nais kong malaman kung mayroon bang iba't ibang taong nagsilbing boss sa iyong tula; higit nga ba sa isa ang boss? Kung hindi ako nagkakamali, ang boss nga ba sa unang saknong ay iba sa boss sa pang-huling saknong? Dahil dito, sa tingin ko ay tila basag ang mensahe na ipinararating ng bawat saknong. Batid kong malayang taludturan ang isitlong iyong ginamit sa paggawa ng tulang ito ngunit gayunpaman, medyo nakakabitin ang pagbasa sa mga linya, tulad na lamang ng unang saknong. Tila tuloy-tuloy ka lamang sa paghahanay ng mga pangyayari na para bang ang dating ay isang report. Kung tuloy-tuloy na babasahin ang mga linya, tila barok sa pandinig at parang walang koordinasyon ang isang saknong sa susunod dito. Ang unang saknong ay tila maaaring "i-compress" sa isang pangungusap, at ito'y pinutol-putol lamang upang bumuo ng bawat linya ng saknong. Tama bang tungkol sa prostitusiyon ang iyong tula? kung ganito nga, ang empleyado ba sa opisina ang naging boss sa gabi? Naniniwala akong maganda ang nais mong ipahiwatig sa iyong tula, sadyang maselan nga lamang ang isyu kaya ingat na ingat ka sa paglalahad ng iyong saloobin at pagpatong ng sarili mong pananaw ukol sa isyu. Gayunpaman, bilib ako sa iyong pagsubok na talakayin ang usaping ito.