Wednesday, February 6, 2008

PINAKAHIHINTAY

Ako’y binubukbok na sa pagkakatayo
Sa humuhunang pagkakakabit
Hindi ko masisi ang mga bisagrang kinakalawang
O ang mga anay na gumagapang at nanginginain hanggang aking kaloob-looban
Nang kumaripas na ang hanging nangangalit
Buong lakas na humampas
Dumagundong
Nawala ang langitngit
Sa pagkakakalog ko,
Ang nakasabit sa aking larawa’y lumalaban at nagpipilit na di malaglag
Ang mga anay sa aking loob ay nagtutulakan
Kaunti pa’t malalasap na aking pagbagsak.


-- Shara T. Colegio

No comments: