Wednesday, February 6, 2008

GAMU-GAMO

Ako'y tunay na naakit ng iyong liwanag
Sa lamig ng gabi, ika'y nagmistulang lagablab
Alab na nagbibigay init at buhay
Sa aking kaluluwang nahihimlay

Ang iyong labis na pang-aakit ay di ko na matanggihan,
Kung iyong mamarapati'y nais ko sanang aako'y mapagbigyan
Ang makalapit sa iyo'y akin nang pangarap
Lahat hahamakin, makalasap man lang ng iyong pagsinta

Maalab, mahapdi, makamaandag...
Nakakasira ng diwa ang iyong presenya
Sa aking paglapit, kamatayan ang nakamit
Ngunit wala akong hinanakit
Pagka't ang makalapit sa iyo'y aking kaligayahan
O ilaw na mapang-akit ant mapagpanglaw.


-- Cherry Pinky M. Budao

No comments: