Wednesday, February 6, 2008

KAMATAYAN

Ako'y dahon na nakalambitin sa sanga ng buhay;
Sumasabay sa indayog ng hangin;
Pinapainom ng ulan;
Araw ang nagbibigay-init;

Ngunit sa pag-agos ng panahon,
ang aking lakas ay lilipas;
Luluwag ang aking kapit
at tatangayin ng hangin sa kawalan.


-- Michelle Diana Lois H. Osias

1 comment:

crissielookah said...

ISTRUKTURA:
maganda ang ginawang paggamit ng dahon upang kumatawan sa kamatayan ngunit mas maigi sana kung gumamit ng ibang imahe kasi pakiramdam ko ay "cliche" na ang imaheng ito.

sa tingin ko din ay mas maganda kung naipakita mo ang "paggalaw" ng dahon sa indayog ng hangin. maganda ang pagpapakita ng pag-inom ng dahon ng tubig ulan... (nice one!)

sa huling saknong, sana ay di mo na inilagay yung "pag-agos ng panahon", cliche din yun.tsaka yung kawalan, vague. be specific. masyadong malawak ang sakop ng kawalan. pero all in all, maganda ang ginawa mong tula, konting edit na lang, thumbs up na ako... =)

NILALAMAN:

simple lang ang nilalaman. alam mo agad ang meaning sa unang basa. maganda yun, dahil di na kailangan ng overreading.
persona: isang taong nagmomoda or medyo may edad na...
layunin: ipakita ng persona ang kanyang insights about death...using the image of a leaf.
nakamit ba: nakamit ang layunin para sa akin..


=) =) =)

this is cris lanzaderas from the class of FIL 20-B... sali kang writers club!