Wednesday, February 6, 2008

SIPIT

Wari ngang ako’y isang tsinelas na lagalag;
Kahit saan itapak hindi papalag.
Patuloy ang paglalakbay
saan mang sulok ng daigdig,
damuhan,alikabok, at batuhan ay susuungin.

Manigas man yaring putik
sa aking talampakan,
Mapudpod man ang swelas ng tuluyan;
Talim ng bato’y kayang tiisin,
Huwag lamang ako’y hindi pansinin.

Kulay kong matingkad man ay kumupas,
Talampakan ko man ay butas.
Pangarap lamang na swelas ay ginto,
Iingatan masugatan pati ang dulo...


-- Maricris P. Madeja

No comments: