Wednesday, February 6, 2008

MAY MGA ORAS NA NAAALALA KA

may mga oras na naaalala ka,
mga minuto na iisip ka
pilit ginugunita
mga alaalang pilit mong ibinaon sa lupa

marahang inaawit,
ang mga letra at salita ng yong kanta
walang pakundangang ginigipit
mga emosyong sobrang lupit

di magapi
memorya mo nung ikay nasa piling ko
di makalimutan
bawat kanta ay lalong naliliwanagan

walang aberya at iyong inilayo
ang puso mo noong pilit na itinatago
sinubkan mo man itong ipamahagi
ngunit sa puso ko, ikaw parin ang naghahari

pinilit mong na tayoy magkaganito
pero alam ko na ito'y di mo gusto
hadlang satin ay ang pangamba mo..
pero bakit, di pinagkaloob ang tiwala mo?

ngayon, puso ko'y iniwan mo sa pagkalito
di man lang binigyan ng idea kung bakit nagkaganito
pero hayaan mo, hanggat nabubuhay ako
nandirito parin ako para sayo..

--bilang kuya mo...


-- Monchie P. Fradejas

1 comment:

Unknown said...

Please delete this.