Wednesday, February 6, 2008

BAHAGHARI

Matapos ang mahabang pag-ulan
At bahagyang pagdilim ng kalangitan
Ako ay biglang magpapakita
Upang sari-sari kong kulay ay maihandog.

Ako ay si bahaghari
Panandaliang maghahari
Upang ang kalangita’y bigyang buhay
Matapos ang mahaba nitong pananamlay.

Isang arkong sa paraiso’y magdadala sa’yo
Mala sorbetes na sa mata’y nakaiingganyo
Ang aking dating ay sinamahan pa
Ng mga notang sa paligid ko’y tumatalontalon.

Isang pangako ang aking hatid
Mula sa lumikha ng lahat ng nasa paligid.
Kaya nga ang aking pagdating
Ay inaabangan ng marami.

Mabaligtad man ang mundo
At ako’y biglang mapaupo
Ako pa rin ang bahagharing
Nakangiti sa iyo.


-- Hannah Ruth C. Arcenal

No comments: