Wednesday, February 6, 2008

SA MULI

Nagulat ako sa iyo,
Narinig kasi kitang nagwika,
"Ano ba 'yan? Heto ka na naman!"
Akala ko kasi masaya ka naman.

Oo, andito nga uli ako.
Ngunit di dahil palungkutin ka.
Dumaan lamang ksi akong muli
Para lamang sulyapan ka.

Naisip ko kasi na masaya ka
kapag ramdam mo ang prensiya ko,
Kagaya nalang nung isang araw
na ako ang karamay mo.

Pero ngayon siya ay muling
dumating sa iyong buhay,
Ako ay iyo ng itinataboy,
at bigla na lang kinalimutan.

Pero kahit papaano,
masaya ako para sa iyo.
Muli ay nasa iyo ng tabi ang araw
na matagal mo ng pinakahihintay.


-- Jona May M. Alcazar

No comments: