Wednesday, February 6, 2008

KADENA SA LUPA

Pinikit ko ang aking mga mata
Dama ang pasanin sa dibdib,
Tila batong ikinadena ang puso sa lupa.

Sa pisngi dumaloy isang tulo ng luha
Itinaas ang mga mata sa kalangitan
Bumulong ng dalangin.

Init sa kalooban unti-unting dumampi
Puso'y marahang tumibok
Kadena pala'y nahulog na sa lupa.


-- Elegado

1 comment:

Bunso said...

-Simple ang mga salita..
-madaling intindihin..
-narrative..
May atake sa emotion ang tula..
maganda din ang paggamit ng kadena para irepresent ang 'problema' na "pasanin sa dibdib" kasi pinatatag niya ung representation.

Medyo nagulo lng ung tula dhil sa 3rd line sa 1st stanza.. Hindi kasi malinaw kung ano ang "tila" o kung saan ikinumpara ung bato.. Kung sa literal na pananaw din, ang bato ay walang puso..o kya ang isang taong ikinumpara sa bato ay parang walang awa..

Gusto ko ung 3rd stanza.. mlakas ung impact..
-may spiritual inclination ang tula at madaling makarelate.
-nice. :)

_Michelle Osias, Fil20 B