Wednesday, February 6, 2008

EXTENDED

Naglalakad sang gabi
Tahimik humuhuni
‘Sang bahay napatapat
Nagulat, napangisi

Si pare ay may party
Sa alak di’ natanggi
Bukas may ipapasa
Aking report pano na

Lagi akong ganito
Pa’no na ang acads ko
Si nanay ay galit na
Pagtatapos kailan ba?


-- Jan Amiel S. Agustin

3 comments:

KYLE said...

Ang ganda ng tula.

Gawain kasi ng typical na estudyante ng Yupielbi.

Madaling intindihin ang mga salita.

Nakakarelate ako.

My tugma at bilang din ang mga linya.

KYLE said...

Maganda yung akda, parang yun talaga ang sinasabe ng mga taga yupielbi,

Simple lang yung mga salitang ginamit at madali intindihin.

Maganda din kasi my rhymings and my bilang yung bawat linya nya.


-Kyle Cielo

poppingalemon said...

Maganda yung tula. Nagustuhan ko siya dahil nag papakita siya ng isang eksena sa pang araw araw na buhay ng isang estudyante. hindi siya katulad ng ibang tula na napaka profound ng mga ipinapahiwatig na ideas.

ang puna ko lang ay sana hindi mo ginamit yung salitang "acads" dahil parang naputol yung momentum ng tula. at sana nag bigay ka pa ng mga detalye para mas mabigyan ng buhay yung tula.


PJ De Villa
fil 20 - B