Wednesday, February 6, 2008

ULAN

Dumilim ang kalangitan
Dagundong ay biglang umalingawngaw
Ako’y sadyang binulabog
Na tila babala mula kay Bathala

Sa pagpatak ng ulan
Buong kapaligiran ay nabasa
At bubong ay nagkalampagan
Na wari ko’y lulugso sa lakas

Ikinumpas ko ang aking kamay
Sa maluwang na bintanang nakabukas
Ngunit ulan ay tila mailap
Sa aking kamy na tigang

Sa wakas tumila na!
Ako’y naganyak lumabas
at sa aking patingala
Bahagharing hudyat ng katahimikan


-- Flosa, Rico Anthony M.

No comments: