Wednesday, February 6, 2008

PASADOR

Nakakapanghalukipkip
Wala man lamang ni silip.
Linggo't b'wan na ang binilang,
San na likidong masangsang?

Hanap ko ang iyong init
At dugong nangunguyapit.
Hindi na ba kumikirot
Ang puson mong haliparot?

Ngunit dinig ko 'yong hikbi
Ramdam mo pa rin ang hapdi.
Dulot ba ng b'wanang dalaw?
O ng sanggol na pumanaw?


-- ruby chanda j. jetomo

No comments: