Wednesday, February 6, 2008

ALKANSYA

Tatlong pilak na barya
Sa musmos di magkakasya
Wari ang ngiti’y abot tenga
kapag tumunog na ang latang alkansya

Hanggang kelan tataghoy ang bulong ng pangarap?
Mapuno lamang ang latang mapagpanggap
Tuwing maghahanap buhay ang bata sa estero
Abot langit ang kaba sa mga Berdugo

Tuhod ay nanginginig at nababaluktot
Nababasa ng pawis ang pagkayamot
Ang latang kinakalawang at nilalangaw
Pinagnasaan pa ng mga magnanakaw


-- Albert Paul A. Puncia

3 comments:

ramon labita jr. said...

nakakapag-elicit ng emotion ang ginawa mong tula. Naramdaman ko ang pangungulila ng dahon sa kanyang bundok na pinanggalingan at ang kalungkutan nung maagnas siya nang wala man lang umiiyak. Kaya lang ay hindi pumasa sa unang lebel ng pagbasa (ang literal na pagbasa)ang iyong akda. Labas sa mundo ng dahon ang ilan sa mga inilagay mong pandiwa . Wala naman kasing emosyon ang dahon. Pero overall, masasabi kong maganda ang tula dahil naging efficient ka sa paggamit ng mga salita. Walang nasayang sa mga ginamit mo. Yung lang nga medyo gasgas na ang paggamit ng dahon sa mga tula tungkol sa kalungkutan.

ramon labita jr. said...

sorry po. nagkamali po ng pinaglagyan ng comment.

ferayag said...

pinatatawad ka na