Wednesday, February 6, 2008

BULAKLAK AT ULAN

Sa wakas! Sa wakas! Heto na! Heto na!
Ang aking daho’y sumasayaw sayaw na.
Mala-yelong hangin ang kanyang musika.
Ang pumpon ng bulaklak ko’y tumingala.
Nakikita ko! Langit ay paiyak na!
‘Sang kisapmata’y, luha nya’y bumagsak na.
Tubig na malamig ang dumaloy sa’kin
Dahon ko’y lumundag lundag sa sobrang tuwa!
Haaay! Uhaw ko’y pinawi niya.


-- canlee

1 comment:

Ann Josell said...

Magandang araw Canlee!

Nakuha nito ang aking atensyon dahilan sa pananabik ko sa mga bulaklak at sa kasiyahang nadarama ko sa ulan.

Ang iyong tula ay payak at madaling intindihin. Ang iyong tula ay waring nagkukwento lamang. Sa aking unang pagbasa, natuwa ako dahil sa magandang daloy nito.

Sa unang linya ng iyong tula kakikitaan ng tunay na pananabik sa pagdating ng hinihintay na ulan sa pamamagitan ng pag-ulit ng mga salita. ^_^

Ang paggamit mo ng mga metapora at personipikasyon ang nakapag-bigay buhay sa iyong tula.

Ang pagbanggit mo sa mala-yelong hangin ay tila paghahanda sa pagdating ng ulan. Kaya lamang, ito ay walang kaugnayan sa mismong ulan na nasa iyong pamagat. Nawala ang pokus ng iyong tula. Ang isa ko pang punto na gustong ihayag ay tila naguluhan ako sa kung sino ang naghihintay kung ang buong halaman o ang bulaklak lamang dahil sa mga linyang "ang aking daho'y sumasayaw sayaw na" at "ang pumpon ng bulaklak ko'y tumingala".

Isa pa ay ang pagbanggit mo sa langi na paiyak na. Tila nananbik ka sa pag-iyak ng kalangitan upang makamit lamang ang ulang inaasam-asam.

Ito ang aking komento sa iyong tula. Nawa'y maging positibo ang iyong pagtanggap sa aking nasabi upang makatulong sa mas mahusay na iyong pagsusulat.